^

Police Metro

Selfie ng NBI agents kasama si Guo, iniimbestigahan na

Mer Layson - Pang-masa
Selfie ng NBI agents kasama si Guo, iniimbestigahan na
Photo shows Guo with NBI and BI agents in the backseat of a vehicle on their way to the immigration office in Indonesia.
Philippine authorities

MANILA, Philippines — Inumpisahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kontrobersiyal na selfie ng kanilang mga ahente kasama si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo lulan ng isang sasakyan.

Kasunod ito ng sinabi ni Justice Secretary Bo­ying Remulla na hindi sapat ang “sorry” sa ipinakita ng mga sangkot na unprofessionalism nang mahuli si Guo.

Ayon kay NBI Director Jimmy Santiago sa isang pulong balitaan kahapon sa Maynila, ina­asikaso na ng kanilang internal affairs ang nangyari.

Bagama’t hindi sapat ang sorry, nang­hingi ng paumanhin si Santiago hindi lang sa publiko at DOJ, kundi pati na rin sa kanyang mga ahente dahil sa kanya aniya nanggaling ang litrato na ipinadala sa media.

Paliwanag niya, nanghingi lamang siya ng “proof of life” mula sa kanyang mga ahente para mapatunayang nahuli na nga ito at nasa kanilang kustodiya na.

Anya, pati siya ay napahiyaw sa tuwa dahil sa pagkakaaresto kay Alice Guo matapos ang puspusang paghahanap na mas pinaigting pa nang mahuli ang hinihinalang kapatid nitong si Shiela Guo at ang Porac POGO incorporator na si Cassandra Ong sa Indonesia.

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with