^

Police Metro

BI chief sinibak sa puwesto ni Marcos

Mer Layson, Gemma Garcia - Pang-masa
BI chief sinibak sa puwesto ni Marcos
Photo shows Norman Tansingco, who has been sacked as immigration commissioner following lapses in connection with Guo’s escape.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Sinibak na ni Pa­ngulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Bureau of Immigration (BI) chief Norman Tansingco.

Ang pagsibak kay Tansingco ay may kaugnayan sa pagtakas ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at makalabas ng bansa.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez, tanggal na sa puwesto si Tansingco.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos na gugulong ang ulo ng mga opisyal ng gobyerno na may kinalaman sa pagtakas ni Guo.

Si Guo ay sangkot  sa illegal na operasyon ng Philippine Offshore Ga­ming Operators (POGO) at nahaharap din sa kasong human trafficking at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Samantala, sinabi naman ni Tansingco na walang Philippine immigration stamps ang pasaporte ni Guo na indikasyon na hindi ito dumaan sa kanila nang lumabas ng bansa.

Nabatid na sa pasaporte ni Guo na inisyu noong Setyembre 4, 2020 sa Angeles at balido hanggang 2030, nakasaad na siya ay ipinanganak sa Tarlac, Tarlac.

FERDINAND MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with