P4.8 bilyong smuggled vapes, fake items nakumpiska sa BOC raid
MANILA, Philippines — Umaabot sa P4.8 bilyong halaga ng mga hinihinalang smuggled vapes, counterfeit branded items, cosmetics, at general merchandise, na nakumpiska ng mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP) ng Bureau of Customs (BOC) sa isinagawa nilang pagsalakay sa Binondo, Manila noong Biyernes.
Pinuri ni BOC Commissioner Bien Rubio, na siyang lumagda sa Letter of Authority (LOA), ang CIIS-MICP team nang mahadlangan nito ang tangkang pagpupuslit ng malaking halaga ng counterfeit items at iba pang merchandise, katuwang ang mga tauhan ng Enforcement and Security Service-MICP at Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon kay BOC-CIIS Director Verne Enciso, na ang iba’t ibang palapag ng storage building ay nadiskubreng naglalaman ng smuggled disposable vapes, vape accessories, at branded garments at bags na may brands gaya ng Gucci, Louis Vuitton, Dior, Adidas, Nike at NBA.
Mayroon ding school supplies ng mga kilalang karakter gaya ng Hello Kitty, Spiderman, at Disney characters, gayundin ng aerosols, cosmetics, tools, at iba pang general merchandise.
Habang nakabinbin pa naman ang final inventory ng mga goods ng assigned Customs examiner, pansamantala munang ipinadlak at sinelyuhan ng BOC team ang mga naturang storage areas.
Binigyang-diin naman ni Intelligence Group Deputy Commissioner Juvymax Uy ang commitment ng BOC na protektahan ang mga hangganan ng bansa at labanan ang pagpasok ng counterfeit items sa merkado, na maaaring magresulta sa irreparable damage sa retail industry.
- Latest