^

Police Metro

2 motor nagsalpukan: 2 utas, 3 sugatan

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang katao habang tatlo ang nasugatan nang magbanggaan ang dalawang motorsiklo sa national road, Barangay Poblacion 1, Real, Quezon, kama­kalawa ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na kapwa nagtamo ng grabeng kapinsalaan sa kanilang mga ulo na sina alyas Raizel, may sapat na taong gulang, backrider na minamaneho ng kaibigang si alyas Abegail, residente ng Barangay Capalong at ang driver ng nakabanggaan nila na si alyas Rogelio, 43, ng Barangay Tignoan.

Nasugatan naman sina Abegail, 20, angkas niyang si Kent, binata at ang angkas ng nakabanggaan nilang motorsiklo na si Abelyn, 31.

Sa ulat ng pulisya, kapwa binabagtas ng dalawang Yamaha Mio ang kahabaan ng National highway dakong alas-5:15 ng umaga nang magsalpukan ang mga ito.

Sa lakas ng banggaan ng mga ito ay pare-parehong sumemplang sa kalye ang dalawang driver at kanilang mga angkas na nagresulta sa agarang pagkamatay ng dalawa sa kanila. -

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with