^

Police Metro

Alice Guo, pwedeng maging state witness! – DOJ

Ludy Bermudo - Pang-masa
Alice Guo, pwedeng maging state witness! â DOJ
Alice Leal Guo (L), former mayor of Bamban in Philippine's Tarlac province accused of human trafficking and links to Chinese organized crime, is escorted to a press conference in Manila on September 6, 2024, after being deported following her arrest in Indonesia on September 3. Alice Leal Guo, a former mayor of a town north of the capital Manila, has been on the run since she was linked to a Chinese-run online gambling centre where hundreds of people were forced to run scams or risk torture.
AFP / Jam Sta Rosa

‘Pag natukoy ‘utak’ ng POGO sa Bamban

MANILA, Philippines —  Inihayag ng Department of Justice (DOJ) na maaaring maging “state witness” ang pinatalsik na si Bamban, Tarlac Mayor ­Alice Guo kung lalabas sa isinasagawang imbestigasyon na may mastermind o mas malaking taong nasa likod ng iligal na operas­yon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Bamban.

“If for example, may makita tayong mas mala­king tao sa investigation, hindi na magiging most guilty si former ­Mayor Alice Guo,” ani DOJ spokesperson Asec Mico Clavano sa news forum sa Quezon City.

Sa kasalukuyan, si Guo ang lumalabas na “most guilty” kung kaya hindi maaaring gawin siyang state witness.

Isa pang kailangan para tumayong state witness si Guo, ay depende kung makikipagtulungan siya sa mga awtoridad.

Una nang sinabi ni Clavano na hindi ipag­wawalang-bahala at kailangang imbestigahan din ang sinabi ni Guo kay DILG Secretary Benhur Abalos na naka-post sa Face­book account nang puntahan sa Jakarta,  na “Sec, patulong. May death threat po kasi ako” na sinasabing dahilan ng pagpuslit nito palabas ng Pilipinas.

Sa nasabing forum nitong Sabado, kinumpirma ni Abalos na ibinunyag na ni Guo na may malalaking tao na sangkot sa sindikato ng POGO at nanganganib ang kaniyang buhay, kaya pinayuhan niya na isiwalat na ang lahat ng nalalaman at bibigyan naman siya ng proteksyon ng gobyerno.

“Lahat ng alam niya ibuga niya, sabihin niya sa Senado. Sabihin niya sa mga otoridad,” ani Abalos.

Nahaharap si Guo sa reklamong money launde­ring at human trafficking na nag-ugat sa iligal na POGO hub sa Bamban, Tarlac.

Naibalik si Guo sa bansa nitong madaling araw ng Biyernes.

ALICE

GUO

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with