^

Police Metro

4 Chinese kinidnap sa Pasay, nasagip sa Batangas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat na Chinese natio­nals na umano’y dinukot sa Pasay City ang matagumpay na natagpuan na ng mga awtoridad sa Batangas City nitong Biyernes, ayon sa ulat nitong Sabado.

Ligtas na nakita ang mga biktima na kinilalang sina Wang Qing Feng, 23 anyos; Nang Ze Cheng , 31; Wang Lan Lai, 32, at Chen Wei Wei.

Sa report ng CALABARZON Police, dakong alas-3:45 ng madaling araw nang matagpuan ng isang security guard ang apat na Chinese nationals habang naglalakad sa Bypass Road sa Brgy. Balagtas ng lungsod na ito.

Hindi umano alam ng nasabing mga Chinese kung saang lugar sila napadpad matapos na umano’y dukutin sa isang lugar sa Pasay City.

Ang mga biktima ay pagod na pagod sa paglalakad, nauuhaw at gutom na gutom nang matagpuan ng security guard na siyang nag-turnover sa mga dayuhan sa pulisya.

Sa salaysay ng mga biktima, piniringan umano sila, iginapos ang mga kamay, nilagyan ng duct tape sa bibig para ‘di makasigaw kung saan nagawa nilang tumakas matapos na makalingat ang mga kidnappers.

vuukle comment

CHINESE NATIO­NALS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with