^

Police Metro

Government officials nagpa-selfie kay Alice Guo, dinepensahan ni Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pang-masa
Government officials nagpa-selfie kay Alice Guo, dinepensahan ni Pangulong Marcos
Photo shows Guo with NBI and BI agents in the backseat of a vehicle on their way to the immigration office in Indonesia.
Philippine authorities

MANILA, Philippines — Idinepensa ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga opisyal ng gobyerno na nagpalitrato kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at sinabing parte na ito ng new culture.

Ito’y matapos mabatikos ang ilang NBI at BI agents na nag-escort kay Guo sa immigration office sa Indonesia matapos magpalitrato sa huli.

Sa kontrobersiyal na litrato, makikitang todo smile si Guo pati na rin ang mga katabi niyang kawani ng NBI at BI sa back seat ng sasakyan, na animo raw, ayon sa mga netizen, ay may outing.

Tiniyak naman ni Interior Secretary Benhur Abalos na walang special treatment kay Guo.

Kaugnay naman ito ng litrato nila ni Philippine National Police chief Rommel Marbil kasama si Guo na naka-all smile rin.

“I think that is a part of new culture now na nagpapakuha lagi ng kahit ano kasi ipo-post nila –‘Tingnan mo oh, kasama ako dito sa team na nag-aresto sa ganyan, ganyan’,” paliwanag ni Pangulong Marcos sa panayam ng mga reporter.

“We are the Selfie Capital of the World, ‘di ba? Hindi mo naman mapigilan ang tao na ngumiti. So they just had a selfie. I don’t think there’s much more to it than that,” dagdag pa niya.

Dumating si Guo sa bansa pasado hatinggabi nitong Biyernes, Set­yembre 6.

ALICE GUO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with