^

Police Metro

Guo ‘di nagpiyansa sa Tarlac court

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Guo ‘di nagpiyansa sa Tarlac court
Inieskortan ng mga pulis ang sinibak na si Bamban, Tarlac Mayor Alice Leal Guo (nakatakip), sa pagdalo kahapon nito sa Capas, Tarlac Regional Trial Court Branch 109 sa kasong graft charges.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Hindi nagpiyansa sa Tarlac Regional Trial Court Branch 109 si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kaugnay ng kasong Anti Graft and Corrupt Practices Act na isinampa ng Department of Interior and Local Government (DILG) laban sa kanya.

Ayon sa legal counsel ni Guo na si Atty. Stephen David hindi muna sila magpipiyansa at sa halip ay hihilingin sa korte na manatili muna si Guo sa kustodiya ng PNP Custodial Facility sa Camp Crame. Nasa P180,000 ang piyansa ni Guo sa dalawang kaso.

Subalit ayon naman kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, kung mananatili ang status quo order, mag-iisyu naman ang korte kung saan idedetine ang sinibak na alkalde.

Samantala, bandang alas-2:12 nang hapon nang makabalik sa PNP custodial facility si Guo sakay ng PNP coaster .

Ipinag-utos ng RTC Capas, Tarlac na mananatili muna si Guo sa kustodiya ng PNP.

ALICE GUO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with