17 Pinoy seafarers na bihag ng mga Houthi rebels, ligtas na ang kalagayan
MANILA, Philippines — Nasa ligtas nang kalagayan ang 17 Pinoy seafarers na binihag ng mga rebeldeng Houthi noon pang nakaraang taon.
Ito ang tiniyak ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac na kanyang inihayag kahapon sa Kapihan sa Bagong Pilipinas forum.
Siniguro rin ni Cacdac na gumagawa ng mga pamamaraan ang Department of Foreign Affairs (DFA) upang mapabilis ang pagpapalaya sa mga tripulanteng Pinoy ng MV Galaxy Leader.
“We know na may coordination na, may pakikipag-usap na sa mga governments that have communication lines with the Houthis who are holding the 17 seafarers,” ayon kay Cacdac.
Matatandaang Nobyembre 2023 nang kumpirmahin ng DFA na 17 Pinoy seafarers ang nakabilang sa mga dayuhang binihag ng Houthi rebels sa Yemen, nang hulihin nito ang sinasakyan nilang cargo ship sa southern Red Sea.
- Latest