^

Police Metro

2 PNP opisyal, abogado todas sa barilan

Cristina Timbang - Pang-masa
2 PNP opisyal, abogado todas sa barilan
Namatay noon din si PCapt. Adrian Binalay, 43, nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group National Capital Region (CIDG NCR) habang idinekla­rang dead on arrival sina PCapt. Tomas Batarao Jr., at suspek na si Atty. Denis Santos.
STAR / File

MANILA, Philippines — Dalawang opisyal ng pulisya at isang abogado ang nasawi matapos magbarilan kamakalawa ng hapon sa Barangay Maitim 2nd Central, Tagaytay City.

Namatay noon din si PCapt. Adrian Binalay, 43, nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group National Capital Region (CIDG NCR) habang idinekla­rang dead on arrival sina PCapt. Tomas Batarao Jr., at suspek na si Atty. Denis Santos.

Sa report na natanggap ni Police Regional Office CALABARZON Regional Director, PBGen. Paul Kenneth T. Lucas, nangyari ang insidente, alas-2:00 ng hapon sa Prime Peak Subdivision, Barangay Maitim 2nd Central, Tagaytay City, Cavite.

Bago ito nangyari ay nagtungo sa lugar ang dalawang nasawing pulis kasama ang dalawa pang sibilyan upang tignan ang bibilhing lote.

Subalit, pinigilan sila ng guwardiya na si Ryan Santillan na makapasok sa loob at sinabihan sila na bawal umanong pumasok sa nasabing lugar hinggil sa pribadong lupain umano ito.

Nagkaroon ng sagutan sa pagitan ng mga ito kung kaya agad na tinawag ni Santillan ang amo nito na si Santos na nakatira sa loob ng nasabing subdivision.

Nagtungo ang nasabing abogado sa kaniyang Hyundai Creta na may plate number NIJ 1370 kasama ang 2 pa katao na sina Elver Mabuti at Benedicto Hebron.

Pagkababa di umano ng mga ito sa nasabing sasakyan ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa bumunot ng baril ang nasabing abogado at pinagbabaril ang dalawang pulis.

Kahit na kapwa may mga tama ng bala ang dalawang pulis ay nagawa pang makaganti ng putok ang mga ito kung saan nasapul si Santos.

Namatay noon din si Binalay habang hindi na umabot ng buhay sina Batarao at Santos.

Matinding awayan sa lupa ang tinitingnang dahilan ng barilan dahil sa ang nasabing lupain ay naipanalo sa kaso ni Santos. — Ed Amoroso Doris, Franche-Borja

 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with