^

Police Metro

2 suspek sa pagpatay sa babaeng pasyente sa ospital, tukoy na

Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tukoy na ng Dasmariñas City, Cavite-PNP ang gunman at kasabwat nito sa pamamaril sa isang pasyenteng babae sa ospital sa lungsod noong madaling araw ng Miyerkules, Agosto 28.

Ayon kay PCol. Julius Balano na hepe ng Dasmariñas police, ang impormasyon ay mula sa naunang naarestong lookout sa krimen.

“May suspect na tayong nahuli at based sa revelation niya, na-identify natin ang dalawang suspek. Nai-file na po natin yung kasong murder sa kanilang tatlo, kasama na po ang arrested natin,” ani Balano.

Sugatan din sa natu­rang insidente ang nanay ng biktima at security guard ng ospital.

Tinitingnan ng pulisya na motibo sa krimen ay ang pagiging informant ng biktima sa mga otoridad.

vuukle comment

DASMARIñAS CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with