^

Police Metro

Tserman sa Cavite itinumba ng tandem!

Cristina Timbang - Pang-masa

Habang nagtatabas ng damo…

MANILA, Philippines — Patay ang isang barangay chairman matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem habang tumutulong sa kaniyang mga health workers sa pagtatabas ng mga damo sa Brgy. Tulay-A, Maragondon, Cavite, nitong Sabado.

Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang biktima na kinilalang si Rodrigo Tanagas, 53-anyos, may asawa, residente at kasalukuyang tserman ng Barangay Tulay-A, Maragondon, Cavite. 

Hindi naman nakilala ang dalawang armadong suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo nang mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-7:15 ng umaga kahapon nang maganap ang insidente.

Habang abala ang tserman sa pagtulong sa kanyang mga barangay health workers na mga nagtatabas ng damo sa nasabing lugar nang biglang dumating ang dalawang suspek sakay ng isang Honda Click na motorsiklo.

Tinapatan ng mga suspek si Kapitan Tanagas at dito siya sunud-sunod na pinagbabaril bago mabilis na tumakas.

vuukle comment

RIDING IN TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with