P5.5 bilyong illegal cigarettes, counterfeit items, nadiskubre
Warehouse sa Bulacan ni-raid ng BOC
MANILA, Philippines — Umaabot sa P5.5 bilyon ang halaga ng mga illegal imported cigarettes at counterfeit items na nadiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Customs Intelligence and Investigation Service (BOC-CIIS) nang pangunahan nila ang isang operasyon sa isang bodega sa Bulacan kamakalawa.
Ayon kay BOC-CIIS Director Verne Enciso, isang Letter of Authority (LOA) ang kaagad na inisyu ni BOC Commissioner Bien Rubio matapos na makatanggap ang CIIS ng derogatory information na ang subject warehouse sa Meycauayan, Bulacan ay nag-iimbak ng mga imported na sigarilyo at mga IPR (intellectual property rights)-infringing goods.
“When the team got there to serve the LOA, they found a volume of stored imported cigarettes amounting to P500 million and P5 billion worth of IPR-infringing items,” dagdag niya.
Nabatid na kabilang sa mga counterfeit items na nasa bodega ay mga gadgets, devices, at garments.
Binigyang-diin naman ni CIIS-Manila International Container Port (CIIS-MICP) chief Alvin Enciso, na ang grupo ang siyang nanguna sa pagsisilbi ng LOA, ang kahalagahan ng pagkadiskubre sa P5.5 bilyong fake goods.
“We do not want to be a haven for counterfeit items. That is not the kind of message we want to send potential investors and even tourists. More so, that is not what the Marcos administration wants the country’s reputation to be,” aniya.
Matapos ang operasyon, pansamantalang sinecure ng mga ahente ang entrance at exit gates ng mga bodega, sa pamamagitan ng padlock at selyo.
- Latest