^

Police Metro

Quezon City, nagtala ng unang kaso ng mpox

Angie dela Cruz - Pang-masa
Quezon City, nagtala ng unang kaso ng mpox
A health worker takes a sample at the Mpox treatment centre of the Nyiragongo general referral hospital, north of the town of Goma in the Democratic Republic of Congo, on August 16, 2024. Health Minister Samuel-Roger Kamba said in a video message that the country "has recorded 15,664 potential cases and 548 deaths since the beginning of the year", with all 26 provinces affected. The United Nations (UN) health agency was concerned by the rise in cases and fatalities in the Democratic Republic of Congo, and the spread to Burundi, Kenya, Rwanda and Uganda.
AFP / Guerchom Ndebo

MANILA, Philippines — Nagtala ang Quezon City Government nang unang kaso ng mpox  (monkeypox) , isang lingo makaraang iulat ng  Department of Health (DOH) ang unang kaso ng Mpox sa bansa ngayong taon.

Ang naturang pasyente na 37-anyos na lalaki at taga-QC ay kasalukuyang naka-admit sa San Lazaro Hospital. Nagsimula siyang kakitaan ng sintomas ng naturang sakit noong August 16, 2024 at na-admit sa naturang ospital makaraan ang anim na araw.

Noong August 26 napatunayan sa naisumiteng specimen ng pasyente na dinala sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na positibong ito ay may mpox.

Batay sa  initial case investigation na iniulat ng  Quezon City Health Department’s (QCHD) Epidemiology and Surveillance Division (QCESD), ang naturang pasyente ay may nagdaang  local travel history.

“Sa ngayon, mahigpit nating binabantayan ang kalagayan ng residente. Natukoy na rin natin ang 15 contacts niya at patuloy natin silang mino-monitor,” sabi ni QC Mayor Joy Belmonte.

Bukod sa unang mpox case sa QC, patuloy ang monitoring ng QCESD sa contacts na na-exposed mula sa Infi­nity Spa and Fahrenheit Club (F Club) na pawang naipasara ng lokal na pamahalaan. Sa Infinity Spa nagpamasahe ang isang lalaki na hindi taga-QC ang napatunayang may Mpox. Ang katabing F club sa E. Rodriguez Avenue naman ay tumangging makipagtulungan sa lokal na pamahalaan para magsagawa ng contact tracing.

Bunga ng unang mpox case sa QC, mas pinaigting ng QC LGU ang kanilang “prevention, control, at response protocols” habang sumailalim na rin ang lahat ng QC health workers sa orientation sa reporting at handling mpox cases.

Nanawagan din si Belmonte sa lahat ng establishment owners na makipagtulungan at mag-comply sa contact tracing efforts ng lokal na pamahalaan upang mapigilan ang paglaganap ng naturang sakit.

vuukle comment

DOH

MPOX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with