^

Police Metro

LPA nagbabanta sa Davao at Eastern Visayas

Angie dela Cruz - Pang-masa
LPA nagbabanta sa Davao at Eastern Visayas

MANILA, Philippines — Isang Low Pressure Area (LPA) ang nagbabanta na magdadala ng katam­taman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Eastern Visayas, Caraga, Davao de Oro at  Davao Oriental.

Batay sa pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astrono­mical Services Administration (PAGASA), ngayong unang araw ng Setyembre, malakas na pag-ulan ang mararanasan sa Eastern Visayas habang katam­taman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Bicol Region at Dinagat Islands.

Sa Lunes, September  2 ay malakas na ulan din ang mararanasan sa Catan­duanes, Albay, Sorsogon at  Northern Samar habang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Bicol Region at southern portion ng Quezon.

Katamtaman hanggang sa malakas na pag ulan din ang mararanasan sa Palawan, Occidental Mindoro at Antique dulot ng habagat.

Bunga nito, pinapayuhan ng Pagasa ang mga residenteng nakatira sa naturang mga lugar at mag- ingat at ugaliing mapagmasid sa paligid upang makaiwas sa posibleng flashfloods at landslides.

LOW PRESSURE AREA

PAGASA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with