^

Police Metro

Vietnamese student, ni-rape ng 2 Chinese

Ludy Bermudo - Pang-masa

Ipon sa bangko sinimot…

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga oto­ridad ang dalawang Chinese national ng kasong pagnanakaw at panggagahasa sa isang babaeng estudyanteng Viet­namese sa Parañaque City, nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ni Parañaque City police officer-in-charge P/Col. Melvin Montante ang mga inares­tong suspek na sina alyas Junsong Lu, 30, at isang alyas Xinzhi Sui, 26, kapwa residente ng Pixel Residences, Bradco Ave­nue, Barangay Tambo, Parañaque City.

Sa report na isinumite ni Montante sa Southern Police District (SPD), naganap ang pangmomolestiya ng mga suspek sa biktima, alas-6:30 ng umaga sa kwarto ng Solaire Resort and Casino Hotel na matatagpuan sa Barangay Tambo, Para­ñaque City.

Sa salaysay ng biktima, nagkasundo sila ng kanyang ka-chat na si alyas Sui na magkita sa nabanggit na hotel kung saan pinuntuhan nito ang suspek sa kanyang unit.

Nang makita ng mga suspek ang biktima ay agad nila itong hinila papasok sa loob ng kwarto kung saan binusalan ang bibig nito ng tuwalya bago ito pinagsamantalahan habang pinagsasampal pa ang biktima.

Matapos ang ginawang pangmomolestiya ni alyas Sui ay pinuwersa naman ni alyas Lu na maibigay ang password para mabuksan ang cellphone ng biktima sa pamamagitan ng paggamit ng Face ID feature.

Makaraan ang ilang oras ay lumabas ang mga suspek sa condo unit na iniwang nakatali ang biktima ngunit nakuha nitong makahulagpos sa pagkakagapos sa kanya.

Hinanap ng biktima ang kanyang Iphone 13 na cellphone ngunit dinala ito ng dalawang suspek pati na rin ang kanyang dalawang ATM cards.

Sa pagkakataong ito ay nagbalik sa kanyang tinutuluyang condo unit sa Pasay ang biktima at tinawagan ang kanyang kapatid na lalaki sa Viet­nam para ma-check ang kanyang savings at nanlumo ito nang malaman niyang wala na ang kanyang ipon na nagkakahalaga ng P184,000.

Dito na naisipang humingi ng tulong ng biktima sa security guards ng gusali na siyang tumawag sa Tambo Police Sub Station na mabilis namang rumesponde sa lugar at nagdulot ng pagkakaaresto sa mga suspek.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with