Petition for clarificatory ihahain ng PNP sa Davao RTC
Sa inilabas na temporary protection order sa KOJC compound…
MANILA, Philippines — Matapos maglabas ng temporary protection order ang korte pabor sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ay nakatakdang maghain ng petition for clarificatory ang Philippine National Police (PNP) sa Davao City Regional Trial Court (RTC).
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, nais malinawan ng PNP hinggil sa naging desisyon ng korte nang sa ganun ay guided ang kanilang mga kilos.
Sinabi rin ni Fajardo na masyado pang maaga para magdiwang ang mga miyembro ng KOJC.
Sabi ni Col. Fajardo, malinaw na nakasaad sa protection order na dapat tanggalin lang ng PNP ang mga harang at barikada sa KOJC compound pero walang sinasabing pinapahinto ang pagsisilbi ng warrant of arrest kay Apollo Quiboloy at apat pang kapwa akusado nito.
Dumating na rin ang augmentation team mula sa iba pang Police Regional Offices para humalili sa mga pulis na nauna nang nai-deploy sa lugar.
- Latest