^

Police Metro

Walang human rights violation sa pagpasok ng mga pulis sa KOJC compound – Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pang-masa
Walang human rights violation sa pagpasok ng mga pulis sa KOJC compound � Pangulong Marcos
Pastor Apollo Quiboloy
STAR / File

MANILA, Philippines — Ipinagtanggol ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga tauhan ng Philippine National Police na naghain ng warrant of arrest laban sa wanted na si Pastor Apollo Quiboloy.

Sa ambush interview sa Pangulo sa Malacañang, sinabi nitong walang nalabag na karapatang pantao sa pagpasok ng mara­ming pulis sa compound ng Kingdom of Jesus Christ sa Davao City, bagkus ang mga tauhan aniya ni Quiboloy ang nanakit sa mga alagad ng batas.

Kaya aniya mara­ming pulis ang ipinadala sa lugar ay sa dahilang hindi kakayanin ng isang dosena lamang na mga pulis ang paghalughog sa 30 ektaryang compound ng KOJC para hanapin si Quiboloy.

“Meron bang human rights violation pag maraming pulis? I don’t think so. The reason we did this was so that we can contain the peace and to make sure that the area is safe and secure,” anang Pangulo.

Binigyang-diin ng Presidente na walang baril ang mga pulis nang pumasok sa compound ni Quiboloy at hindi rin aniya gumamit ng tear gas, taliwas sa akusasyon ng mga miyembro ng KOJC.

Kasabay nito, itinanggi ni Pangulong Marcos Jr. na may kinalaman sa pulitika ang ginagawang panggigipit umano kay Quiboloy.

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with