^

Police Metro

Sheila Guo, mga kapatid sumakay sa mga bangka para makaalis ng Pinas

Malou Escudero - Pang-masa
Sheila Guo, mga kapatid sumakay sa mga bangka para makaalis ng Pinas
Cassandra Li Ong and Sheila Guo are shielded by a throng of immigration officers as they arrive at the Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 on August 22, 2024
Rudy Santos/File

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ni Sheila Guo sa Senate panel na umalis siya, kasama ang kanyang mga kapatid na sina dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at Wesley Guo, sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagsakay sa ilang bangka.

“Sakay po kami ng boat,” paglalahad ni Guo sa Senate subcommittee on justice and human rights na nag-iimbestiga sa umano’y pagtakas nila mula sa Pilipinas.

Base kay Guo, sinundo silang tatlo ng isang van mula sa kanilang tahanan at naglakbay sila ng hanggang hatinggabi.

Subalit, sinabi niyang hindi niya alam ang lokasyon nang sumakay sila sa maliit na puting bangka, saka lumipat sa mas malaking bangka.

“Siguro hatinggabi kami sakay tapos halos umaga na,” sabi ni Guo.Matapos ito, lumipat umano muli sila sa mas maliit na bangka.

“May palit pa isa ulit.‘Yung maliit naman na parang kulay blue o green at nanatili ng ilang araw sa Malaysia.

Dumalo sa pagdinig si Guo dahil kasaluku­yan siyang nakaditene sa Senado. Matatandaang naharang sila ni Cassandra Li Ong sa Indonesia noong nakaraang linggo.

vuukle comment

CASSANDRA LI ONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with