^

Police Metro

‘Heartbeat’ ni Quiboloy, na-detect

Doris Franche-Borja - Pang-masa
�Heartbeat� ni Quiboloy, na-detect
Tinanggal ng mga pulis ang hinarang na malala­king sound system ng mga miyembro ng KOJC sa kahabaan ng CP Garcia Highway nang magsagawa sila ng prayer rally at kinokondena ang umanoy labag sa batas na search warrant sa kanilang compound.
Diana Lhyd Suelto

Nagtatago sa underground bunker ng KOJC

MANILA, Philippines — Patuloy ang paghahanap ng mga otoridad sa entrance ng underground bunker sa loob ng 30 ektarya ng Kingdom of Jesus Christ compound na pinaniniwalaan doon nagtatago ang puganteng si KOJC founder, Pastor Apollo Quiboloy dahil sa na-detect ang tibok ng puso o “heartbeat”.

Ayon kay PMaj. Cathe­rine Dela Rey, spokesperson ng ­Phili­ppine National Police Davao Region, na guma­mit sila ng life detection devices na ginagamit sa rescue missions kung may mga lindol kaya’t na detect nila ang tibok ng puso mula sa ilalim.

“Ang hinahanap na lang ngayon ‘yung entrance ng bunker kasi positive talaga ‘yung life detection device na ginamit na meron talagang heartbeat sa underground. Hindi lang isang tao. Hindi lang isang heartbeat ang na-detect. Very positive ‘yung information na na-receive namin na nasa loob ng KOJC compound si Quiboloy at ‘yung mga kasama niya” .

Idinagdag pa nito na ang  actuations ng members ng KOJC na naging mas agresibo, bayolente, may mga structures na ayaw kaming papasukin, na isang indikasyon na meron talaga silang tinatago.

Nabatid na ang ground penetrating radar ay naglilikha ng imahe sa pamamagitan ng radar pulses. Natutukoy din nito ang  heartbeats, kilos at heat signature.

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with