^

Police Metro

Lalaki pinatay sa away sa parking

Ed Amoroso, Mer Layson - Pang-masa
Lalaki pinatay sa away sa parking
Ang biktima na nasawi noon din dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si John Kenneth Figueroa, residente ng  Dimsun Compound.
STAR / File

MANILA, Philippines — Isang 27-anyos na lalaki ang nasawi noon din matapos na barilin ng isa sa tatlong barker na nakatalo nito sa parking area sa Brgy. Cupang, Antipolo City, Rizal, kamakalawa.

Ang biktima na nasawi noon din dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si John Kenneth Figueroa, residente ng  Dimsun Compound.

Isa sa tatlong suspek ay nakilalang si alias Totoy ay mabilis  na tumakas at tinutugis na sila ng pulisya.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago naganap ang krimen, ala-1:10 ng hapon noong Sabado sa Dimsun Compound, Purok 2, sa Brgy. Cupang ay unang nagkaroon ng alitan ang biktima at tatlong suspek nang iparada ng biktima ang bagong sasakyan sa kahabaan ng nasabing kalsada.

Kinompronta ng isa sa tatlong suspek na barker ang pagpaparada ng biktima na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa ito ay naawat.

Nang naglalakad ang biktima pauwi sa kanilang bahay ay sinundan ito ng tatlong suspek at isa dito ay naghamon ng suntukan.

Nakita sa CCTV na nakalagay sa lugar na kung saan ay natalo ng biktima sa suntukan ang isa sa tatlong suspek ay binunot ang baril na caliber .45 gun sa kanyang bewang at pinagbabaril ang biktima.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with