^

Police Metro

Quiboloy, nagtatago sa ilalim ng lupa — PNP

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Quiboloy, nagtatago sa ilalim ng lupa � PNP
Preacher Apollo Quiboloy
Facebook/Pastor Apollo C. Quiboloy

MANILA, Philippines — Sa kabila ng 24 oras na paghahanap sa KOJC compound, hindi pa rin nahahanap ng pulisya si Pastor Apollo Quiboloy.

Gayunpaman, sinabi ni P/BGen. Nicolas Torre III na naniniwala na nasa loob pa rin ng 30 ektarya ng compound si Quiboloy na hindi malayong may ‘secret tunnel’ ito para sa kanilang seguridad.

Ayon kay Torre na siguradong nandoon siya. Nananatili naman sa kanilang mga itinalagang lugar ang mga pulis at nagtrabaho ng shifting sa paghahanap.

Sinabi pa ni Torre na may mga impormante siya sa loob at hindi lang aniya mahanap dahil sa maayos nilang galaw sa loob ng compound.

Naniniwala si Torre na may tiyak na lokasyon kung saan nagtatago si Quiboloy na posible umanong nasa ilalim ng lupa.

“Nagagawa niyang lumipat, ngunit may posibilidad na ito ay isang lokasyon sa ilalim ng lupa,” aniya.

Dagdag pa ni Gen Torre, malaking hamon sa mga search team ang lawak ng KOJC Compound.

“Sa laki ng lugar at sa dinami-rami ng labasan, kahit kami ay naliligaw at naghihiwalay,” saad pa nito.

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with