^

Police Metro

P19 milyong smuggled vape products nasamsam ng BOC sa Maynila at Laguna

Mer Layson - Pang-masa
P19 milyong smuggled vape products nasamsam ng BOC sa Maynila at Laguna
An individual smokes an electronic cigarette or vape at a designated smoking area in Quezon City on May 31, 2024.
STAR/ Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa P19.075 milyon halaga ng hinihinalang vape products ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa operasyong ikinasa sa magkahiwalay na bodega sa Maynila at Laguna, nabatid kahapon.

Ang mga naturang items ay nakumpiska matapos na ipatupad ng mga ahente ng Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP) ng BOC, sa pakikipag-koordinasyon sa Enforcement and Security Service (ESS) at Philippine Coast Guard (PCG) nitong Biyernes, ang dalawang Letters of Authority (LOA) na inisyu ni BOC Commissioner Bien Rubio.

Sinabi naman ni CIIS Director Verne Enciso na nadiskubre ng grupo ang tinatayang aabot sa P6.475 milyong halaga ng vape devices, vape pods, at disposable vapes, gaya ng brands na Relx at Top Fog, sa isang bodega sa Quiapo, Manila. Nakadiskubre rin sila ng humigit-kumulang sa P75 milyong halaga ng smuggled motorcycle parts at accessories.

Samantala, sa isang shop naman sa San Pedro City, Laguna ay nakakumpiska ang composite team na pinamumunuan ng BOC ng nasa P12.6 milyong halaga ng smuggled disposable vapes na may iba’t ibang brand, gaya ng Flava, King’s Evo, Grio, at Milan.

Habang hinihintay ang imbentaryo ng mga goods na isasagawa ng itinalagang Customs exami­ners at sasaksihan ng mga kinatawan mula sa CIIS, ESS, at ng bodega at shop, pansamantala munang ipinadlak ng BOC team ang dalawang lokasyon.

Ang mga may-ari ng bodega at shop ay mahaharap sa iba’t ibang kasong paglabag sa Section 117 at Section 1400.

vuukle comment

VAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with