P560 milyong ayuda, serbisyo naibigay sa 60K benepisyaryo sa Batangas
MANILA, Philippines — Umaabot sa P560 milyon na halaga ng tulong at serbisyo ang ipinagkaloob sa 60,000 benepisyaryo sa Batangas sa pamamagitan ng idinaos na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa lalawigan.
Nasa 143 kongresista ang lumahok sa Kamara sa pangunguna ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, kung saan kasama rin si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo gayundin si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., Finance Secretary Ralph Recto at mga lokal na opisyal.
Ayon kay Romualdez, ito na ang ikalawang pagkakataon na nagtungo ang BPSF sa CALABARZON region na naunang bumisita sa Sta. Cruz, Laguna noong Nobyembre 2023.
Bukod dito ay 9,000 Batangueños naman ang tumanggap ng bigas, cash aid mula sa iba pang mga programa na kinabibilangan ng Cash Assistance and Rice Distribution (CARD) Program, Integrated Scholarships and Incentives for the Youth (ISIP) Program, at Start-Up, Investments, Business Opportunities and Livelihood (SIBOL) Program.
Ang mga programang ito ay binuo alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ilapit sa mamamayan ang tulong at iba’t ibang serbisyo ng mga ahensiya ng gobyerno.
Sinabi ni Speaker Romualdez na humahanap ang gobyerno ng paraan upang matulungan ang mga bulnerablengs sektor gaya ng mahihirap na senior citizens, persons with disabilities (PWDs), single parents, indigenous people, at mga katulad nito.
- Latest