KOJC compound ni-raid: Supporter ni Quiboloy, tepok!
MANILA, Philippines — Isang tagasuporta ng kontrobersyal na si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy ang nasawi matapos salakayin ng mga awtoridad ang compound ng nasabing sekta ng relihiyon sa Davao City nitong Sabado ng umaga.
Sa inisyal na ulat ni Police Regional Office (PRO) 11 Director Brig. Gen. Nicolas Torre III, dakong alas-5:27 ng umaga nang magsagawa ng raid ang kanyang mga tauhan sa KOJC compound sa Buhangin District ng lungsod.
Ang nasawing miyembro ng KOJC ay isang 50-anyos na lalaki na inatake umano sa puso nang isagawa ng mga operatiba ng pulisya ang raid.
Nasa 2,000 pulis ang lumusob sa nasabing compound kabilang ang PNP Civil Disturbance Management Unit upang isilbi ang warrant of arrest laban kay Quiboloy subalit nabigo silang makita ang pastor.
Dahil sa dami ng mga pulis na lumusob sa compound, nagkaroon ng tensiyon sa pagitan ng mga tagasunod ni Quiboloy at ng raiding team sanhi upang maatake sa puso ang isang supporter.
Nabatid na ang large scale operation ay upang halughugin ang nasabing compound na may 42 gusali kung saan una nang sinabi ni Torre na naniniwala siyang hindi pa nakakaalis ng bansa si Quiboloy.
Si Quiboloy ay may standing warrant of arrest mula sa Davao City at Pasig City sa kasong human trafficking, sexual abuse sa mga menor-de-edad at kababaihan gayundin ng pangmamaltrato. Wanted rin siya sa US Federal Bureau of Investigation sa kasong sex abuse at human trafficking.
Magugunita na una nang nagsagawa ng raid ang mga awtoridad upang arestuhin si Quiboloy pero nabigo sila noong Hunyo 10, 2024 habang kinuwestiyon din ang ginawAEang raid ng NBI Region-11 sa KOJC compound dahil “moro-moro” lang umano ito.
- Latest