^

Police Metro

Pangulong Marcos sa LGUs: Info drive vs leptospirosis, mpox paigtingin

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa local government units (LGUs) na paigtingin ang information dissemination campaign laban sa leptospirosis at mpox.

Sa isinagawang Local Governance Summit 2024 sa Philippine International Convention Center sa Pasay City, kinilala ni Pangulong Marcos ang mahalagang papel ng LGUs sa pagbibigay-proteks­yon sa public health sa pamamagitan ng implementasyon ng kaukulang hakbang at pagtaas sa public awareness.

Dahil dito, hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga lokal na opisyal na tugunan ang “improper garbage disposal at poor waste management” na sanhi ng pagtaas ng kaso ng leptospirosis at dengue matapos ang pananalasa ng Super Typhoon Carina at Habagat.

Nauna rito, nanawagan ang Pangulo sa LGUs’ na patuloy at aktibong magpartisipa sa “Kalinisan Program” ng Department of the Interior and Local Government, isang inisyatiba na naglalayong pagsama-samahin ang pagsisikap na mapanatili at makapagbigay ng malusog at ligtas na kapaligiran sa publiko.

Tinuran ng Pangulo na mahalagang makasama ang LGUs para mapabuti ang ‘waste disposal at management’ sa bansa.

Nauna rito, ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang patuloy na pag-monitor sa mga lugar na “most vulnerable” sa mpox, matapos na makapagtala ang bansa ng unang kaso simula nang ideklara ng World Health Organization (WHO) ang “public health emergency of international concern” para sa pangalawang pagkakataon kasunod ng outbreak sa Congo at kalapit na bansa sa Africa.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with