^

Police Metro

VP Sara pinabulaanan ang akusasyon ng plagiarism

Mer Layson - Pang-masa
VP Sara pinabulaanan ang akusasyon ng plagiarism
Vice President Sara Duterte's plan to spend P10 million on printing her self-authored children's book has drawn sharp criticism from long-struggling Filipino children's book authors and publishers.
Philstar.com artwork

MANILA, Philippines — Mariing pinabulaanan ni Vice President Sara Duterte ang akusasyong kinopya lamang niya ang iniakdang librong ‘Isang Kaibigan.’

Sa isang pahayag, sinabi ni VP Sara na hindi niya kailangang mangopya dahil napakadali lamang magsulat ng maikling kwento, batay sa sariling karanasan.

Ipinaliwanag rin niya na layunin ng proyekto na mahikayat ang mga mag-aaral na mahalin ang pagbabasa at sumulat ng sarili nilang kwento.

“Napakadaling sumulat ng maikling kwento batay sa sariling karanasan, hindi na kailangang mangopya pa. Ang proyekto ay para mahikayat ang mga bata na mahalin ang pagbabasa at sumulat ng sarili nilang kwento,” aniya pa.

Nanindigan din si VP Sara na hindi naman ang libro ang problema ng bayan kundi ang kahinaan sa pagbabasa ng mga kabataan.

Tila nagpasaring pa si VP Sara at sinabing dapat na abangan ng lahat ang isang libro na isusulat niya hinggil sa pagtataksil ng isang kaibigan.

Nauna rito, pinuna ng mga netizen ang pagkakatulad ng “Isang Kaibigan” sa graphic novel ng American author at artist na si Andy Runton na may titulong, “Owly Just a Little Blue.”

Sa nasabi kasing libro,isang kuwago rin ang pangunahing karakter at ito ay nagtuturo rin hinggil sa kahalagahan ng pakikipagkaibigan at kabutihan.

vuukle comment

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with