^

Police Metro

Smallpox vax gagamitin laban sa mpox - DOH

Mer Layson - Pang-masa
Smallpox vax gagamitin laban sa mpox - DOH
A healthcare worker prepares to administer a vaccine to a person for the prevention of monkeypox the Pride Center on July 12, 2022 in Wilton Manors, Florida.
Joe Raedle / Getty Images North America / Getty Images via AFP

MANILA, Philippines — Planong gamitin ng Department of Health (DOH) ang smallpox vaccine bilang proteksiyon laban sa mpox.

Ito ang kinumpirma ni Health Assistant Secretary at Spokesperson Albert Domingo na nagpaabot na ang DOH ng intensiyon sa World Health Organization (WHO) na mabigyan ang Pilipinas ng access sa smallpox vaccines upang magamit na proteksiyon laban sa mpox.

Ayon kay Domingo, base kasi sa scientific findings ang smallpox vaccines ay nakapagbibigay ng cross-protection laban sa mpox.

Gayunman, wala pa aniyang suplay ng naturang bakuna sa Pilipinas.

Ani Domingo, inuuna muna kasing mabigyan ng mga naturang bakuna ang mga bansa sa Africa, kung saan nagkakaroon ng krisis sa ngayon dahil sa hawahan ng mpox.

Matatandaang una nang kinumpirma ng DOH na naitala na nila noong Agosto 18 ang unang kaso ng mpox sa bansa ngayong taon.

vuukle comment

SMALLPOX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with