^

Police Metro

Lalaki na tinamaan ng mpox, nakipagtalik sa spa

Angie dela Cruz - Pang-masa
Lalaki na tinamaan ng mpox, nakipagtalik sa spa
This undated electron microscopic (EM) handout image provided by the Centers for Disease Control and Prevention depicts a monkeypox virion, obtained from a clinical sample associated with the 2003 prairie dog outbreak. It was a thin section image from a human skin sample. On the left were mature, oval-shaped virus particles, and on the right were the crescents, and spherical particles of immature virions.
Cynthia S. Goldsmith / Centers for Disease Control and Prevention / AFP

Nagpa-derma muna

MANILA, Philippines — Isang bagong pas­yente na tinamaan ng mpox (dating monkeypox) virus ang nagtungo umano sa isang derma clinic at nakipagtalik sa isang illegal spa sa Quezon City, kaya nagkaroon ng mga close contact.

Sa pulong balitaan kahapon, sinabi ni Mayor Joy Belmonte na 28 sa 41 naging “contact” ng pasyente ay natukoy na sa pamamagitan ng contact tracing. Naka-self qua­rantine umano ang mga ito at sinusubaybayan ng QC Health Department.

Kabilang sa mga naka-quarantine ang masahista at ilan pang naging kliyente ng illegal spa.Iniutos na ni Belmonte, na ipasara ang spa na natuklasang walang ma­yor’s permit at iba pang kailangang dokumento.

Sinabi ng alkalde na hindi residente ng Que­zon City ang pasyenteng may mpox case.

Nitong Lunes, inihayag ng Department of Health (DOH) ang ika-10 kaso ng mpox sa Pilipinas, na isang 33-anyos na lalaking Pinoy pero hindi lumabas ng bansa.

Nagkaroon umano ito ng “close, intimate contact three weeks before symptom onset.”

Nagsimula ang sintomas sa lagnat, na pagkaraan ng ilang araw ay nasundan ng mga pantal sa mukha, likod, katawan, batok, singit at pati na sa palad at talampakan.

Nitong nakaraang linggo, nagdeklara ang World Health Organization (WHO) global public health emergency para sa mpox sa ikalawang pagkakataon sa magkasunod na taon.

MONKEYPOX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with