^

Police Metro

10-anyos totoy, 22 beses sinaksak ng dalaga

Ed Amoroso, Mer Layson - Pang-masa
10-anyos totoy, 22 beses sinaksak ng dalaga
Sa ulat ng Taytay Municipal Police Station, nabatid na alas-12:00 ng tanghali nang maganap ang krimen sa Adhika St., Brgy. Dolores, habang naglalakad si alyas ‘Archie,’ 10, pauwi, galing sa paaralan.
File

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit ng isang 10-anyos na lalaki matapos pagsasaksakin ng 22 beses ng 18-anyos na dalaga na kapitbahay sa Taytay, Rizal, kama­kalawa.

Sa ulat ng Taytay Municipal Police Station, nabatid na alas-12:00 ng tanghali nang maganap ang krimen sa Adhika St., Brgy. Dolores, habang naglalakad si alyas ‘Archie,’ 10, pauwi, galing sa paaralan.

Batay sa kuha ng CCTV camera sa lugar, makikita ang suspek na si alyas ‘Michaela,’ 18, na hindi mapakali sa lugar at tila may inaabangan.

Nang mag-isang dumaan ang biktima, bigla na lang siyang inatake ng suspek at kaagad na pinagsasaksak, gamit ang isang kutsilyo, sanhi upang mabuwal ito sa sementadong kalsada.

Kahit napahiga na, patuloy pa ring pinagsasaksak ng suspek ang biktima. Nakita ng ­ilang testigo ang insidente kaya’t inawat nila ang suspek at saka ipinaaresto sa mga otoridad.

Mismong ang ina naman ng biktima ang kaagad na kumarga sa anak at mabilis itong isinugod sa pagamutan upang malapatan ng kaukulang lunas.

Himalang nakaligtas ang bata at kasalukuyang naka-confine sa Rizal Provincial Hospital System dahil sa mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Ayon sa pulisya, parang wala sa sarili ang suspek habang kanilang iniimbestigahan dahil paiba-iba at hindi klaro ang mga pahayag nito sa imbestigasyon.

Tinitingnan umano ngayon ng pulisya ang anggulong “inggit” ang motibo ng krimen dahil maaga umanong naulila at nawalan ng mga magulang ang suspek.

Ang suspek ay nakapiit na at mahaharap sa kasong frustrated murder na may kaugnayan sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act sa piskalya.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with