^

Police Metro

Diplomatic protest vs China muling ikinasa ng Pinas

Joy Cantos, Malou Escudero - Pang-masa
Diplomatic protest vs China muling ikinasa ng Pinas
Ayon sa National Task Force for the West Philippine Sea, nasira ang dalawang barko ng Philippine Coast Guard na  BRP Bagacay (MRRV-4410) at BRP Cape Engaño (MRRV-4411) matapos banggain ng barko ng China habang naglalayag sa Patag at Lawak Islands malapit sa Escoda Shoal.
Wikipedia Photo

MANILA, Philippines — Muling maghahain ng diplomatic protest ang gobyerno ng Pilipinas matapos ang panibagong insidente ng banggaan ng barko ng China at Pilipinas sa Escoda Shoal sa West Philippine Sea.

Ayon sa National Task Force for the West Philippine Sea, nasira ang dalawang barko ng Philippine Coast Guard na  BRP Bagacay (MRRV-4410) at BRP Cape Engaño (MRRV-4411) matapos banggain ng barko ng China habang naglalayag sa Patag at Lawak Islands malapit sa Escoda Shoal.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni retired Vice Admiral Alexander Lopez, bagong tagapagsalita ng National Maritime Council (NMC) na bukod sa paghahain ng diplomatic protest, pinag-aaralan na rin ng Pilipinas na dalhin sa international body ang mga delikadong pangha-harass ng China sa Pilipinas.

Sinabi naman ni Presidential Assistant on Maritime Concerns Secretary Andres Centino na kasama na ngayon sa NMC ang Solicitor General, National Intelligence Coordinating Agency at National Security Council upang mapadali ang paghahain ng legal action sa international body laban sa China.

Samantala, inihayag ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, Spokesman ng Philippine Navy sa West PH Sea na namonitor ng kanilang mga tauhan sa Philippine Navy at Philippine Air Force (PAF) ang nasa 129 barko at militia vessels sa mga island features ng China sa loob ng nakalipas na dalawa hanggang 3 buwan.

Anya, may pagkakataon na bumaba ang presensya ng mga Chinese vessels mula 92 hanggang 132 kung saan ang pinakamataas sa kanilang monitoring sa nakalipas na 3 buwan ay nasa 156 ang bilang depende sa kondisyon ng karagatan.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with