^

Police Metro

Mga benepisyaryo ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, umabot na sa 2.5 milyon

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa unang taon ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ay umaabot na sa P10 bilyong halaga ng tulong mula sa gobyerno ang naipamahagi sa 2.5 milyong pamilya sa ilalim ng pambansang inisyatibo na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair.

Ito ang inihayag nitong Lunes ni House Deputy Secretary General Sofonias Gabonada, kasabay nang inilunsad na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair Agency Summit sa pagdiriwang ng unang taon ng programa.

“In terms of the number of beneficiaries, around 2.5 million families have been able to benefit from this program. Around P10 billion worth of programs, projects and services, including cash assistance were distributed,” ayon kay Gabonada.

Ayon kay Gabonada, sa loob ng isang buong taon, nasakop ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ang 21 lalawigan sa 17 rehiyon, ngunit marami pang lugar ang kailangang marating at kabilang sa mga susunod pang pupuntahan ng sebisyo fair program ay ang Batangas, Cavite, at Pangasinan.

Binigyan diin naman ni Speaker Martin Romualdez na ang programa ay katunayan ng dedikasyon ng administrasyong Marcos na mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga tao.

“This is about the child who receives life-saving medical attention, the elderly who finally feel the support of a caring government, the farmer who gains access to vital resources, and the student who sees education as a door to a brighter future. These stories of transformation are the true measure of our success,” dagdag pa ni Romualdez.

BAGONG PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with