^

Police Metro

Angkas ng motor nagulungan ng bus sa EDSA Carousel, patay

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Angkas ng motor nagulungan ng bus sa EDSA Carousel, patay
Isang hindi pa kilalang motorcycle backrider ang nasawi nang pumailalim at maipit ng gulong ng pampasaherong bus sa EDSA carousel bus sa North EDSA nang bumagsak ang sinasakyang motorsiklo nang tangkain ng rider na mag-U turn sa lugar.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang lalaking angkas ng motorsiklo nang magulungan ng bus sa EDSA Carousel kahapon ng umaga.

Ito ang iniulat ng Que­zon City Disaster Risk Reduction Management Office kaya’t pansamantalang isinara ang EDSA Busway sa North Avenue dahil pumailalim sa bus ang biktima.

Ayon sa driver ng habal-habal, nasa northbound sila at lilipat sana sa southbound ng EDSA.

Ayon sa rider, alam niyang bawal mag U-turn doon pero sinubukan niya pa rin hanggang sa nabundol sila ng bus at bumagsak ang biktima at naipit ng gulong ng bus.

Agad namang rumesponde ang mga rescuer sa pinangyarihan ng aksidente.

Samantala may nakitang baril at magazine na may bala sa tabi ng katawan ng biktima.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with