^

Police Metro

Alice Guo lumayas na ng Pinas noong Hulyo

Malou Escudero - Pang-masa
Alice Guo lumayas na ng Pinas noong Hulyo
In this June 9, 2023 Facebook post shows Mayor Alice Guo of Bamban, Tarlac.
Facebook/Mayor Alice Leal Guo

MANILA, Philippines — “Noong nakaraang buwan pa umano nakalayas sa Pilipinas si Alice Guo.”

Ito ang ibinunyag na impormasyon kahapon ni Senadora Risa Hontiveros na ang pinatalsik na si suspended Bamban,Tarlac Mayor Guo na tinatawag ding Guo Hua Ping ay umalis ng bansa at lumipad patungong Kuala Lumpur, Malaysia noong Hulyo 17 gamit ang kaniyang Philippine passport at dumating sa Malaysia dakong “12:17:13 military time” ng July 18.

Matapos nito ay pumunta siya sa Singapore upang makita ang kaniyang ama, ina at iba pa niyang mga kapatid. Nagpasalamat si Hontiveros sa National Bureau of Investigation (NBI) sa impormasyon.

Kinuwestiyon ni Hontiveros kung sino ang nagpahintulot kay Guo na makalabas ng bansa.

“Who allowed this travesty to happen? Sino ang may kagagawan nito?” ani Hontiveros.

Hindi aniya makaka­alis si Guo kung walang tumulong na mga opisyales ng gobyerno.

Si Guo ang sentro ng imbestigasyon ng Senado sa sinalakay na Phili­ppine Offshore Ga­ming Operators (POGO) hub sa Bamban, Tarlac na kamakailan lang ay sinubpoena ng Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng reklamong material misrepresentation na isinampa laban sa kaniya.

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with