^

Police Metro

40 lugar apektado ng Taal volcanic smog - NDRRMC

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pang-masa
40 lugar apektado ng Taal volcanic smog - NDRRMC
Photo from Facebook shows a student walking on a highway in Cavite blanketed by vog from Taal Volcano.

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na 40 lugar ang apektado ng volcanic smog bunga ng pag-aalboroto ng Bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas.

Sa report, ang Taal volcano ay nasa alert level 1 bagaman naglalabas ito ng nasa average na 3,355 toneladang sulfur dioxide simula pa noong Agosto 15 kung saan naobserbahan ang pagbubuga ng volcanic fluids mula sa main crater lake ng bulkan.

Nabatid na nasa 2, 400 metro ang taas ng makapal na usok ng bulkan na nasa bahagi ng hilaga at hilagang kanluran ng bulkan.

Ayon sa NDRRMC, bunga ng insaidente ay nakatanggap sila ng ulat na kinansela na ang face-to-face classes at pansamantalang nagsagawa muna ng modular distance learning  sa nasasaklaw ng 40 lugar kabilang dito ay 25 sa lalawigan ng Batangas, 10 sa Cavite at  5 naman sa Laguna.

Samantala, umabot na sa Metro Manila ang volcanic smog.

Ito ang kinumpirma ni Aldczar Aurelio,weather forecaster ng PAGASA batay sa direksyon ng hangin na kanilang namomonitor mula sa lalawigan ng Batangas papuntang Metro Manila na kung saan pagsikat ng araw kahapon ay uma­ngat ang smog papuntang atmosphere.

vuukle comment

NDRRMC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with