^

Police Metro

Pagbuhay sa E-Sabong, kinontra

Malou Escudero - Pang-masa
Pagbuhay sa E-Sabong, kinontra
Television showing feeds of cockfight events.
Philstar.com / Irish Lising

MANILA, Philippines — Kinontra ni Senador Joel Villanueva ang mga mungkahing mu­ling buhayin ang online cockfighting o e-sabong na sinasabing isang pa­raan upang punan ang nawalang kita mula sa pag-ban sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Sinabi rin ni Villanueva na bagaman at kailangan ang dagdag na buwis, hindi naman ito dapat mangga­ling sa ilegal.

Nauna nang naghain si Villanueva ng Senate Bill No. 1281 na naglalayong ipagbawal ang lahat ng uri ng online gambling sa bansa.

Ayon pa sa senador, kahit noong kasagsagan ng kanilang operasyon, napatunayan na hindi praktikal na solusyon ang POGO para sa panganga­lap ng kita dahil ang nakokolektang buwis mula rito ay napakababa.

Katulad din ng nangyari bago ipahinto ang e-sabong noong Mayo 2022, kung saan pinaalalahanan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga operator na magbayad ng kanilang tax obligations matapos madiskubre sa pagdinig ng Senado na kumikita sila ng bilyong piso sa online “talpak.”

Sa hiwalay na pagdinig ng Senado noong Pebrero 2024, inamin ng PAGCOR na nagpapatuloy pa rin ang e-sabong sa kabila ng pagbabawal dito. Nadiskubre rin sa pagdinig na may 789 aktibong e-sabong operations sa bansa.

COCKFIGHTING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with