^

Police Metro

Sistema nang pagbibigay ng suporta sa mga atletang Pinoy, isusulong sa Kamara

Joy Cantos - Pang-masa
Sistema nang pagbibigay ng suporta sa mga atletang Pinoy, isusulong sa Kamara
Ito ang sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa ibinigay na heroes welcome sa mga atletang lumahok sa 2024 Olympic Games sa Paris noong Miyerkules.
House of Representatives of the Philippines

MANILA, Philippines — Para mapalakas ang sistema ng pagbibigay ng suporta sa mga atletang Pilipino ay irerepaso ng Kamara ang Republic Act (RA) No. 10699 o ang National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act upang malaman ang mga kinakailangang pagbabago.

Ito ang sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa ibinigay na heroes welcome sa mga atletang lumahok sa 2024 Olympic Games sa Paris noong Miyerkules.

Bukod sa pagkilala sa mga natamong tagumpay ng mga atleta, iginiit ni Speaker Romualdez ang pangangailangan na pagbutihin ang umiiral na mga batas upang mapabuti ang kalagayan ng Philippine sports community.

Bukod kay Speaker Romualdez, kasama rin sina Tingog Rep. Yedda K. Romualdez at iba pang kongresista na nanguna sa paggawad ng incentives at pagkilala sa mga atleta at coaches na dumalo sa pagdiriwang.

Ang Olympian na si Carlos Edriel Yulo ay tumanggap ng P6 milyon mula sa Kamara para sa kaniyang nasungkit na dalawang medalyang ginto at karagdagang P8.010 milyon na kontribusyon mula sa mga kinatawan ng Kamara.

Ang halagang ito ay bukod pa sa P500,000 natanggap ni Yulo bago umalis patungong Paris Olympics. Sa kabuuan ay umaabot sa P14.510 milyon ang natanggap na cash incentive ni Yulo.

Habang sina Nesthy Petecio at Aira Villegas ay nakatanggap naman ng tig-1 milyon dahil sa kanilang nakuhang bronze medal at karagdagang P2.5 milyon bawat isa mula sa kontribusyon ng mga mambabatas. Sila ay nakatanggap din ng P500,000 bago tumulak sa Pransya, o kabuuang P4 milyon bawat isa.

FERDINAND MARTIN ROMUALDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with