^

Police Metro

Sekyu gagawing intel ng PNP

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Target ng Philippine National Police (PNP) na gamitin sa pangangalap ng intelligence ang nasa mahigit 500,000 security guard sa buong bansa.

Sinabi ni PNP Civil Security Group (CSG) Director Police Maj. General Edgar Alan Okubo na makakatulong ang mga security guard bilang force-multiplier sa pagsisilbing mata at tenga ng kapulisan laban sa mga kriminal at banta sa pambansang seguridad.

Ayon kay Okubo, isasailalim muna sa basic training on intelligence gathering ang mga security guard, na sinimulan sa pamamagitan ng seminar na nilahukan ng 61 security guard sa Metro Manila.

Ang unang batch ay nagtapos ng Basic Information Collection and Analysis Seminar (BICAS) for Private Security Agencies na pinangasiwaan ng CSG sa Camp Crame noong Miyerkules.

Saad pa ni Okubo na ang BICAS ay isasagawa rin sa iba’t ibang panig ng bansa.

Nanawagan naman si Okubo sa mga Security Agency na makipag­tulungan sa PNP sa pamamagitan ng regular na pagsumite ng mga Intel report sa Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA), dahil ang hakbang na ito aniya ay para sa kapakanan ng buong bansa.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with