^

Police Metro

Tsismosong Indian national binoga ng kababayan

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang Indian national ang nasugatan matapos na barilin ng kanyang kababayan na umano’y nagalit sa ginawa nitong pagtsismis sa kanya naganap sa Quezon City, nitong Biyernes ng gabi.

Ginagamot sa Quezon City Memorial Medical Center ang biktimang si Harpreet Singh, 36, negosyante at residente ng Block 4, Amethys St, Phase 3, Octagon Village, Brgy Dela Paz, Pasig City.

Isa sa dalawang suspek ang naaresto at na­kilalang si Gurbhej ­Singh, 46 residente ng No. 9B Woodside St, Brgy. St. Ignatius Village, Que­zon City. Habang pinaghahanap ang kapatid nitong si Gurjinder Singh, 49 na nagsilbing back up.

Sa pagsisiyasat ng Quezon City Police District (QCPD), nangyari ang insidente. Alas 8:30 ng gabi nitong Biyernes sa CP Garcia Block 5, Daan Tubo, Brgy. UP Campus, Quezon City.

Sakay ng motorsiklo ay binabaybay ng biktima ang kahabaan ng CP Garcia Avenue nang biglang harangin ni Gurbhej na sakay ng motorsiklong Yamaha XRM motorcycle na may MV file number 1380-0881626 habang nakasunod naman dito si Gurjinder.

Kinompronta ng Gurbhej si Harpreet dahil sa umano’y pagkakalat ng tsismis tungkol sa kanya at ilang sandali ay binaril ng una ang huli sa hita saka mabillis na tumakas.

Agad namang dinala sa ospital ang biktima habang nagsagawa ng follow-up operation ang mga otoridad na nagresulta sa pagkakada­kip kay Gurbhej. Inihahanda na ang kaso laban sa mga suspek.

vuukle comment

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with