^

Police Metro

Lider ng robbery group, todas sa sekyu

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang umano’y lider ng kilalang Brondial Criminal Group nang mabaril ng security guard ng hinoldap nilang tindahan ng prutas sa Brgy. San Isidro, Makati City, kama­kalawa ng madaling araw.

Kinilala ang napatay na suspek na si alyas “Jeric”, 27, residente ng Pasay City, na natukoy na lider ng nasabing armadong grupo matapos marekober sa kaniyang Suzuki Raider motorcycle ang identifi­cation card. Habang ang apat nitong kasama ay nakatakas.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang insidente, alas-2:50 ng madaling araw ay puwersahang pi­nasok ng mga armadong suspek ang tindahan at nagdeklara ng holdap.

Dalawa sa mga armadong suspek ang pumunta sa ikalawang palapag habang ang natitirang tatlo ay nanatili sa ground floor kung saan nakuha ang mga cellphone ng sekyu at iba pang empleyado ng tindahan.

Nataranta ang mga suspek nang biglang maka­rinig ng sirena ng pulis at sa pagtatangkang tumakas ni Jeric ay pinaputukan siya ng sekyu habang tagumpay na nakatakas ang apat na kasamahan.

Nakuha sa crime scene ang isang metal jacket at isang lead core habang sa mga bulsa ng nasawing suspek ay natuklasan ang isang ninakaw na cellphone na pag-aari ng sekyu ng tindahan.

Ayon naman sa cashier, isang iPhone 13 na nagkakahalaga ng P40,000.00 at isang Samsung cellphone na nagkakahalaga ng P10,000.00 ang kinuha sa kaniya ng mga suspek.

Isinuko naman ng sekyu sa pulisya ang ginamit na Caliber 9mm Armscor, na may serial number, isang unit ng Caliber .38 Revolver, na may serial number, tatlong fired cartridge cases mula sa caliber .38, isang caliber .38 na bala, isang 9mm magazine na puno ng siyam na bala at isang unit na cellphone.

Kabilang sa hawak na ebidensya ng pulisya ang isang motorsiklo, na may plate number, at isang Suzuki Raider na motorsiklo na walang plaka na pag-aari ng nasawing suspek.

Nabatid na ang napatay na suspek ay may standing warrant of arrest sa kasong frustrated homicide, carnapping, robbery at murder.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with