^

Police Metro

P5 bilyong dagdag-pondo sa 4Ps, inaprub ng DBM

Gemma Garcia - Pang-masa
P5 bilyong dagdag-pondo sa 4Ps, inaprub ng DBM
Individuals line up to receive cash aid from the national government during enhanced community quarantine at a basketball court in Manila.
AFP / Ted Aljibe, File

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang pagpapalabas ng karagdagang P5 bilyon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Paliwanag ni Pangandaman , ito ay para mabigyan ng karagdagang pondo ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na layong labanan ang kahirapan at suportahan ang mga pamilyang nangangailangan sa buong bansa.

Ayon pa sa kalihim, makakatulong ito para maib­san ang epekto ng inflation sa mga Filipino kaya ginagawa lahat ng Department of Budget and Management (DBM) para mapabilis ang proseso at epektibong maibigay ang mga pangunahing serbisyo tulad ng 4Ps.

Ang inaprubahang pondo aniya ay mangagaling sa fiscal year (FY) 2023 Continuing Appropriations  ay gagamitin para sa arrears ng taong 2023 4Ps grants mula sa deactivation/suspension ng tinatayang 703,888 households  na 4Ps beneficiaries.

4PS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with