300 QCitizen nakakuha ng sari-sari store package mula kay Mayor Joy
MANILA, Philippines — Umaabot sa 300 residente ng Quezon City ang tumanggap ng sari-sari store package mula sa proyektong Tindahan ni Ate Joy ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa isang simpleng seremonya sa QC Hall compound.
Ang mga tumanggap ng Pangkabuhayang Package ay mga solo parents, mga biktima ng pang-aabuso at karahasan, nakalayang Persons Deprive of Liberty (PDL), at Persons with Disabilities (PWD) na taga-lungsod.
Ang “Tindahan ni Ate Joy” (TNJ) na isang socioeconomic support program ay layong matulungan na maiangat ang kabuhayan ng mga nabanggit at maging self sufficient.
Ang programa na may startup capital na P10,000 halaga ng mga grocery items tulad ng bigas, delata, cooking oil, hygiene products at iba pang pangunahing produkto.
Ang Tindahan ni Ate Joy ay sinimulan noong 2013 at mula noon hanggang nitong taong 2023 ay nakapagbigay na ang programa ng Sari-Sari store package sa may 5,733 residente ng QC kasama dito ang mga home-bound mothers, Unemployed Solo Parents, Survivors ng mga karahasan at pang-aabuso, Released Persons Deprive of Liberty (PDL), Persons with Disabilities (PWD) at ina ng mga PWD child.
- Latest