^

Police Metro

17 Pinoy sa Yemen, ligtas sa ‘missile attack’ ng Houthi rebels - DMW

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa ligtas nang kalagayan ang 17 Filipino seafarers na lulan ng MV Groton, sa isinagawang missile attack ng Houthi rebels noong Agosto 3 sa Yemen.

Sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) na mismong ang Cornbulk Ship Management Corporation, na operator ng MV Groton, ang kumumpirma na nagtamo ang barko ng minor damages.

Mapalad naman umanong hindi ito nakitaan nang pagtagas ng langis o water ingress.

Nabatid na ang barko ay inatake ng mga rebelde, 60 nautical miles sa Yemen, habang patungo sa Jeddah, Kingdom of Saudi Arabia.

Umiba na umano ng daan ang barko at kasalukuyan nang nakadaong sa port of Djibouti para sa ebalwasyon.

Ligtas naman umano ang 19 na tripulante ng barko, na kinabibilangan ng 17 Pinoy.

Muli ring nanawagan ang DMW sa mga shipowners na mag-divert na mula sa Red Sea at sa Gulf of Aden.

Pinaalalahanan din ng ahensiya ang mga Pinoy seafarers na mayroon silang karapatan na tumanggi na maglayag sa high-risk at war-like zones.

HOUTHI REBELS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with