^

Police Metro

Quezon City cancer control ordinance, aprub na - Vargas

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isa nang ganap na ordinansa na isinulong ni dating three-term Congressman at ngayo’y City Councilor Alfred Vargas matapos lagdaan ni Mayor Joy Belmonte ang Ordinance No. SP-3285, S-2024 o Quezon City Integrated Cancer Control Ordinance (QCICCO).

“Ang QCICCO ay isang landmark public health policy na nagtataguyod ng isang whole-of-government at whole-of-society approach sa cancer control. Sa pag-akda at pagsulong nito,kinikilala na­ting kailangang pagsama-samahin ang iba’t ibang sektor upang matugunan ang sakit na ito,” ani Vargas. Ayon kay Vargas, inuugnay ng QCICCO ang mga mandato at kakayahan ng iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan tulad ng Persons with Disabilities Affairs Office, Social Services Development Department, at iba pa, habang pinapalakas pa ang kapasidad ng City Health Department.

Sa ilalim ng ordinansa, magkakaroon ng cancer control coordinators, cancer patient navigation and referral system at local cancer registry ang Quezon City na makakatulong para maitulay ang mga pas­yenteng may kanser sa kinakailangang panggastos sa pagpapagamot.

Ang ordinansa ay ha­ngo rin sa Republic Act No. 11215 o National Integrated Cancer Control Act (NICCA) na siya ring inakda ni Vargas sa Kongreso. Base sa datos ng Philippine Statistics Authority, pumapangalawa ang kanser bilang sanhi ng kamatayan sa bansa na may 10.4% share sa total deaths noong 2023.

Pinasalamatan din ni Vargas ang Department of Health at ang mga naging katuwang niya sa pagbabalangkas ng ordinansa.

ALFRED VARGAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with