^

Police Metro

Utol tinodas ng ate at lover

Cristina Timbang - Pang-masa
Utol tinodas ng ate at lover

Pinagtulungang gulpihin at saksakin…

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 35-anyos na lalaki matapos siyang pagtulungang bugbugin at saksakin  ng kanyang ate at kinakasama nito, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Olaes, GMA, Cavite.

Kinilala ang nasa­wing biktima sanhi ng mga tinamo nitong saksak at bugbog na si Danilo Panes Alinas, construction worker at residente ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago nangyari ang krimen, alas-7:40 ng gabi sa Block 26, Lot 26, Brgy. Olaes ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at ate nito na si Kathrina, 40-anyos.

Matapos umano ang pagtatalo ay umalis ang biktima at nakipag-inuman sa mga kaibigan nito na kung saan ay nalaman ng kinakasama ng ate nito na si alyas Butchog, 43, construction worker, ang pag-aaway ng magkapatid.

Ikinagalit ito ni But­chog kung kaya hinanap nito ang biktima na natagpuang nakikipag-inuman sa labasan. Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa na umabot sa suntukan.

Tumakbo pauwi ang biktima at pagbalik nito ay may dala na itong improvised na baril. Nag-agawan ang mga ito sa  baril at dito na tumulong ang ate ng biktima hanggang sa matumba ang huli at sinaksak ng lalaking suspek.

Sinakyan pa ito ng kaniyang ate upang hindi makatayo habang sinasaksak ito at sinusuntok sa mukha ng kaniyang kinakasama.

Nang duguan at hindi na nagalaw ang biktima ay saka lamang ito binitawan ng mga suspek. Mabilis na tumakas ang lalaking suspek habang naaresto ang ate ng biktima.

Naitakbo pa sa Carsigma Hospital ang biktima, subalit hindi rin ito naisalba pa.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with