^

Police Metro

Biden nagpaabot ng pakikiramay sa mga nasawi sa bagyong Carina

Gemma Garcia - Pang-masa
Biden nagpaabot ng pakikiramay sa mga nasawi sa bagyong Carina
US President Joe Biden walks to board Marine One as he departs the White House in Washington, DC, on Sept. 17, 2023. The president is heading to New York for the 78th session of the United Nations General Assembly.
AFP / Kent Nishimura

MANILA, Philippines — Nagpaabot ng pakikiramay si United States President Joe Biden sa mga Pilipinong nasawi sa pananalasa ng bagyong Carina nitong nakalipas na linggo.

Ang pakikiramay ay ipinaabot ng US President sa pamamagitan ni US Secretary of State Antony Blinken sa courtesy call nito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang kahapon kasama si US Secretary of Defense Lloyd Austin.

Tiniyak ng Amerika ang kahandaang mag-abot ng tulong para sa pagbangon ng mga biktima ng kalamidad kasabay ang pagbibigay-diin na hindi lang mahigpit na magkaalyansa ang Pilipinas at Amerika kundi isang pamilya.

Sinabi ng US official na nagagalak silang makabisita sa Pilipinas, at ipinaabot ang pagbati nina President Biden at Vice President Kamala Harris.

Malugod namang tinanggap ni Pangulong Marcos ang pakikiramay ng Amerika at nangakong aasahang mas magiging matibay pa ang working relationship ng dalawang bansa.

Sina Blinken at Austin ay nasa bansa para dumalo sa 4th Philippines-United States 2+2 Ministerial Dialogue sa bansa.

vuukle comment

JOE BIDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with