^

Police Metro

Mag-asawa natagpuang patay sa bundok

Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang mag-asawa ang natagpuang patay sa bulubundukin ng Sitio Capos, Barangay San Rafael, Sto. Tomas City, Batangas kamakalawa ng umaga. Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina alyas Edgardo, 20, construction at piggery worker at ang kinakasama nitong si alyas Kathleen, kapwa residente ng Barangay San Rafael.

Ang bangkay ng mag-asawa ay natuklasan ng isang saksi na kinilalang si Rustom Morano, alas-9:20 ng umaga.

Sinabi ni Lt. Col. Jun Lunar, hepe ng pulisya ng lungsod na ang mag-asawa ay pinatay sa pamamagitan ng paghataw sa kanilang mga ulo ng matigas na bagay ng dalawang suspek at pagkatapos ay binalot ng malaking nylon cover at itinapon sa bulubunduking lugar upang iligaw ang imbestigasyon at itago ang krimen.

Isa sa umatake sa mag-asawa ay kinilalang si alias Jano, 30, construction worker at piggery na naaresto sa bahay ng kanyang katrabaho sa Barangay San Antonio. Habang ang kasabwat ni Jano na kinilalang si Toto ay hinahanap ng mga otoridad.

Patuloy ang imbestigasyon sa motibo ng pagpatay sa mag-asawa ng mga suspek.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with