^

Police Metro

Pagsipsip ng langis mula sa lumubog na motor tanker sa Bataan, sinimulan na ng PCG

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nag-umpisa na kahapon ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagsipsip sa industrial fuel oil na lulan ng lumubog na motor tanker sa Limay, Bataan.

Ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, maaaring tu­magal ang naturang operasyon sa loob ng isang linggo.

Sinabi ni Balilo na ang pagkuha ng langis mula sa lumubog na MT Terra Nova ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ang oil spill sa Manila Bay.

Una nang nilagyan ng PCG ng dispersants at booms ang lugar kung saan lumubog ang motor tanker upang mapigilan ang oil spill.

Nilinaw naman ni Balilo na kakaunti lamang ang tumatagas na langis dahil buo naman aniya ang tangke na pinaglalagyan nito.

Matatandaang lumubog ang MT Terra Nova sa Limay, Bataan kamakailan na nagresulta sa pagkasawi ng isang tripulante nito.

vuukle comment

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with