^

Police Metro

15 iskul sa Quezon City sa Agosto na pasok sa klase

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa matinding pinsalang tinamo sa bagyong Carina at habagat, 15 eskuwelahan sa elementarya at sekondarya sa Quezon City ang ipinagpaliban ang pagbubukas ng klase sa Hulyo 29 at sa halip ay isasagawa ito sa Agosto 1- 5 para sa School Year (SY) 2024-2025.

Sa Facebook post ng Quezon City gov’t nitong Sabado, tuloy ang balik eskwela ng mga estudyante sa Hulyo 29 maliban lang sa 15 eskuwelahan na napagdesisyunan na isaayos muna ang mga problema sa kanilang eskuwelahan tulad ng mga nasira sa baha ang mga kagamitan.

Ang buong Metro Manila ay isinailalim sa state of calamity dulot ng matinding mga pagbaha kung saan nagmistulang waterworld ang ilang lugar partikular na ang CAMANAVA area at Marikina City.

Kabilang sa mga eskuwelahan na magbubukas sa Agosto 1 ay ang Balumbato Elementary School, Sto Cristo Elementary School, Cong. Reynaldo Calalay Elementary School, Sinagtala Elementary School , San Francisco Ele­mentary School, Odelco Elementary School; Dalupan Elementary School; Diosdado P. Macapagal Elementary School; Rosa L. Susano Elementary School; Josefa Jara Martinez High School at Sta. Lucia High School.

Samantala, ang magbubukas sa Agosto 5 ay ang Betty Go Belmonte Elementary School, Sergio Osmeña Sr. High School, Masambong Elementary School, at Masambong High School.

Sa tala ng Department of Education (DepEd), ang matitinding pag-ulan na nagdulot ng mga pagbaha ay nakapinsala sa nasa 12,800 eskuwelahan sa Cordillera Administrative Region (CAR), National Capital Region (NCR) at Regions 1, II, III, IV-A, IV-B, 6 at 8.

SY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with