Babae na naglalakad binoga sa ulo ng rider

MANILA, Philippines — Isang 25-anyos na babae ang nasawi nang ito ay dalawang beses barilin sa ulo habang naglalakad ng isang lala­king sakay ng motorsiklo, sa Antipolo City, Rizal, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si alyas “Jana”, na kinumpirma ng ina nitong si Marilou Vargas, sa mga otoridad ang pagkilanlan nito.

Sa inisyal na ulat, alas-9:55 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa Sitio Kapatiran, Barangay San Isidro, Antipolo City.

Unang nakarinig ng putok ang mga residente at ang Barangay Chairman na si Dionisio Placio, na inakala lamang umano na may sumabog na gulong at nasundan pa ng isang putok kaya tinungo ang pinagmulan.

Doon na nakita ang nakadapang biktima na duguan ang ulo.

Hindi umano residente ng barangay ang biktima, na batay sa imbestigasyon ay may mga kaibigan ito sa lugar na madalas nitong puntahan.

Show comments